Monday, March 6, 2017

MGA SULIRANIN
 
1. Di pagseseryoso ng estudyante sa kanyang pag-aaralan lamang sa mga mg-aaral ang nag seseryoso sa kanilang pag-aaral, ang iba naman ay hindi. Ilan sa kanilang dahilan: “tinatamad”,maraming humahadlang sa kanila katulad ng computer games,panliligaw, walang interest sa pag-aaral, interesado sa ibang bagay, mayproblema sa pamilya at kung anu-ano pa. 
Madalas itong nangyayari sa mga pampublikong paaralan na masmababa pa sa section 5 (lima), ngunit hindi lamang ito nangyayari samga pampublikong paaralan dahil nararanasan din ang ganitong suliraninsa mga pribadong paaralan. Sa pampubliko isa sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng mgabagay na umaagaw sa kanilang atensyon sa kanilang pag-aaral at saparehong pribado at pampubliko ang dahilan nila ay katamaran. 
 
2.Katamaran sa Pag-aaral 
 Karamihan na nga sa mga mag-aaral o sa mga estudyante ang tamadat isa sa kanilang dahilan ay ang mahirap na subject.Ayon sa mga nakalap kong impormasyon sa mga eskwelahan (4th year) ang pinakamahirap na subject sa kanila ay ang Math.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Isa sa mga posibleng maging kahalagahan nito ay ang mahikayat angang mga estudyante na mag-aral ng mabuti. Mahalagang malaman din nilaang ilang mga kasagutan nila katulad ng: 
Ano nga ba ang pag-aaral?
Ano ang kahalagahan ng pag-aaral?
Paano ko masisimulan muli ang mabuting pag-aaral?
Paano ko mapapataas ang aking mga marka?
Anu-anong mga bagay ang nararapat kong gawin para hindi na akobumagsak pang muli?
Paano ko mababago ang sarili ko? 
 
Ilan lamang yan sa mga posibleng masagot ng pananaliksik na ito.Ang isa pang posibleng kahalagahan ng pananaliksik na ito ay ang mahubogang mga mag-aaral na panatilihing maging maayos ang kanilang pag-aaral.
Pamamaraan

Nagbigay ako ng sampung(10) tanong sa bawat tao para sa isinasagawang pananaliksik. Sa 100 talatanungan, hindi lahat ay umangkop sa aking pag-aaral. Ang talatanungan ap nag pokus sa pananaw ng mag-aaral tungkol sa mga mababang grado ng mga estudyante at sa kung anong subject sila merong ganitong grado ng estudyante, kung sa paaralan, sa pamilya at mga kaibigan o sa lipunang kanyang ginagalawan, at ang kanilang dahilan kung bakit nila nasabing naapektuhan ang mga bagay na ito. Huli, tinanong ko kung may ginagawa bang hakbang ang mga estudyante upang mas mapabuti pa nila ang kanilang pag-aaral.

Sunday, March 5, 2017

Kaugnay sa pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga bagay na may kaugnayan sa pag-aaral na ito katulad ng mga pangyayari sa eskwelahan ay estudyante. Ang hangganan nito ay sa mga estudyante, sa mga magulang at mga taong hindi matanto ang tunay na kahulugan ng edukasyon. Ang hangganan nito ay pumapaligid sa paaralan at tahanan ng bawat mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga estudyanteng hirap sa pag-aaral kaya sila bumabagsak. Ang pinakapunto o ang sentro ng pag-aaral na ito ay ang mga bagay na pumapaligid sa mga mag-aaral. Limitasyon na ito ay ang buhay na kinakaharap ng estudyante habang nasa paaralan o nasa eskwelahan.

Kabanata 3

Disenyo ng pag-aaral

Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay gumagamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Survey Research Design, na gumagamit mg talatanungan (survey questionnaire) para makakuha ng pananaliksik na ito na angkop ang disenyong ito para dito dahil mas mapapadali ang pagkuha ng datos mula sa mga naging respondent o sa mga sumagot ng surbey na isinagawa. Sa ginawa naming surbey nagtanong kami sa mga estudyante ng General Santos Academy Inc. at sa ilang estudyante na nasa kolehiyo.

Saturday, March 4, 2017

Kabanata 2

Kaugnay sa Literatura at Pag-aaral


Isang Artikulo mula sa "Ang Blag ni Sarimau"

WALANG TAONG BOBO..TAMAD, MERON.
Marahil ay kahit papaano'y nabuhayan kayo ng loob sa nabasa ninyong pamagat lalo na iyong mga taong hindi binibiyayaan ng angking talino, sabihin nalang nating iyong mga taong natutulog noong mundo. Iyong mga taong hindi masyadong pinahalagahan. Iyong mga taong niminsan sa buhay nila ay hindi nagkamit ng karangalan dahil sa nakamamanghang kakayahan. At dahil sa wala silang natatanggap na kahit na anu, at puro kapalpakan na lamang ang kanilang natatamo, nawawalan na sila ng pag-asang tumayo sa pinagkakapalpakan nilang putik na madikit ay may amoy na animo'y luom ng kabiguan. Pilit nilang isinasara ang kanilang mga isipan sa mga bagay na hindi nila aakalaing kaya at magagawa nila, mga bagay na magagawa nila para sa sarili nila. Ayaw na nilang pilitin pang alisin ang dikiting putik sa kanilang katawan at ang amoy na hindi matanggal-tanggal at magpursiging abutin ang mga pinapangarap nilang magawa at upang makuhaang karangalan na lagi nilang pinagdarasal. Habang ako'y nag-i-internet sa aming bahay, may nabasa akong mga blogs sa isang forum site tungkol sa talino ng isang tao. Nasasabi doon na lahat ng tao'y matalino, nakukuha ang talino ng tao depende sa kung paano niya ito gagamitin. Sabi ng mga matatanda noon, kumain daw ng mani kapag nagsusulit para pumasa. Meron namang naniniwala na kapag ipinagbubuntis ka pa lang at alaga ka na habang nasa tiyan ka pa lamang, lalabas din daw ang katalinuhan pag isinilang. Merong namang likas talaga ang talino o tinatawag na gifted child. May naniniwala din sa genes ng angkan nanggaling ang talino sa taokaya swerte mo kapag ang pamilya mo'y matatalino at mga nakatapos na at professionals na ngayon. Pero tunay nga ba ang mga ito o sadyang pamahiin lang nating mga Pilipino dala ng sariling nating kultura? Sa mga nalaman kong iyon, ang tao na rin ang nagsabing walang taong bobo, mayroon tayong angking talino. At kahit sa genes man o sa kinakain o sa kahit ano pa mang pamahiin nating tinataglay, tayo pa rin ang magsasabi kung kaya ba natin ang isang bagay o hindi. Nasa sa ating mga kamay kung patuloy tayong magbubulag bulagan o magigising na sa katotohanan na kaya din natin yan.

Monday, February 6, 2017

Paglalahad ng Suliranin

Ang mga tiyak na layunin ng pagaaral na ito ay:

1. Malimitahan ng mga mag-aaral ang ibang bagay sa pag-aaral sa tamang oras.
2. Mamulat sa kanilang (mga magaaral) mga mata sa mga maaaring masamang maidulot ng mga bagay, kaibigan, lipunan at marami pang iba sa kanilang pag-aaral.
3. Malaman ng mga mag-aaral ang masama at mabuting naidudulot ng mga ginagawa nila habang sila ay nagaaral sa kanilang sarili.


Dahilan ng mayroong mababang marka ang mga estudyante sa paaralang General Santos Academy Inc.

 Joveia Ella Balajadia
Rea Mae T. Ylanan


Introduksyon


Ang kaalaman tungkol sa iba't ibang bagay, personalidad at kaganapan, sa ating kapaligiran ay mahalaga. Kahit na ang impormasyon ay tumatalakay sa isang simpleng bagay, ito pa rin ay binibigyang importansya. Kadalasan, ang mga nakakalap nating impormasyon ay nagmumula sa mga libro, dryaryo, telebisyon, radyo at mga sulating pananaliksik tulad na lamang nito.

Ang sulating pananaliksik, ay isinagawa upang bigyang patunay at palawakin ang isang napiling paksa. Sa ganitong paraan ay mas naliliwanagan ang kaisipan ng isang mambabasa at natututo sa nasabing paksa. Makatutulong din ito upang bigyang linaw at itama ang ilang paksa, kung saan ang nalalaman ng mga tao tungkol dito ay mga maling sabi-sabi lamang.
Ang sulating pananaliksik na ginawa namin ay may layuning bigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral. Nakasaad sa loob ng pananaliksik na ito ang mga kaalaman tungkol sa iang suliranin ng mga estudyante.

Ang pokus ng sulating pananaliksik na ito ay tinatawag na "Dahilan Ng Mayroong Mababang Marka Ang Mga Estudyante Sa Paaralang General Santos Academy, Inc."
Ito ay mga dahilang kadalasang nagagawa ng mga mag-aaral kapag sila't nasa paaralan.

Ang mga impormasyong mababasa sa loob ay base sa mga impormasyong nakalap namin sa internet at sa surbey  na aming nagawa.