Kaugnay sa pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga bagay na may kaugnayan sa pag-aaral na ito katulad ng mga pangyayari sa eskwelahan ay estudyante. Ang hangganan nito ay sa mga estudyante, sa mga magulang at mga taong hindi matanto ang tunay na kahulugan ng edukasyon. Ang hangganan nito ay pumapaligid sa paaralan at tahanan ng bawat mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga estudyanteng hirap sa pag-aaral kaya sila bumabagsak. Ang pinakapunto o ang sentro ng pag-aaral na ito ay ang mga bagay na pumapaligid sa mga mag-aaral. Limitasyon na ito ay ang buhay na kinakaharap ng estudyante habang nasa paaralan o nasa eskwelahan.
Kabanata 3
Disenyo ng pag-aaral
Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay gumagamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Survey Research Design, na gumagamit mg talatanungan (survey questionnaire) para makakuha ng pananaliksik na ito na angkop ang disenyong ito para dito dahil mas mapapadali ang pagkuha ng datos mula sa mga naging respondent o sa mga sumagot ng surbey na isinagawa. Sa ginawa naming surbey nagtanong kami sa mga estudyante ng General Santos Academy Inc. at sa ilang estudyante na nasa kolehiyo.
No comments:
Post a Comment