Kaugnay sa Literatura at Pag-aaral
Isang Artikulo mula sa "Ang Blag ni Sarimau"
WALANG TAONG BOBO..TAMAD, MERON.
Marahil ay kahit papaano'y nabuhayan kayo ng loob sa nabasa ninyong pamagat lalo na iyong mga taong hindi binibiyayaan ng angking talino, sabihin nalang nating iyong mga taong natutulog noong mundo. Iyong mga taong hindi masyadong pinahalagahan. Iyong mga taong niminsan sa buhay nila ay hindi nagkamit ng karangalan dahil sa nakamamanghang kakayahan. At dahil sa wala silang natatanggap na kahit na anu, at puro kapalpakan na lamang ang kanilang natatamo, nawawalan na sila ng pag-asang tumayo sa pinagkakapalpakan nilang putik na madikit ay may amoy na animo'y luom ng kabiguan. Pilit nilang isinasara ang kanilang mga isipan sa mga bagay na hindi nila aakalaing kaya at magagawa nila, mga bagay na magagawa nila para sa sarili nila. Ayaw na nilang pilitin pang alisin ang dikiting putik sa kanilang katawan at ang amoy na hindi matanggal-tanggal at magpursiging abutin ang mga pinapangarap nilang magawa at upang makuhaang karangalan na lagi nilang pinagdarasal. Habang ako'y nag-i-internet sa aming bahay, may nabasa akong mga blogs sa isang forum site tungkol sa talino ng isang tao. Nasasabi doon na lahat ng tao'y matalino, nakukuha ang talino ng tao depende sa kung paano niya ito gagamitin. Sabi ng mga matatanda noon, kumain daw ng mani kapag nagsusulit para pumasa. Meron namang naniniwala na kapag ipinagbubuntis ka pa lang at alaga ka na habang nasa tiyan ka pa lamang, lalabas din daw ang katalinuhan pag isinilang. Merong namang likas talaga ang talino o tinatawag na gifted child. May naniniwala din sa genes ng angkan nanggaling ang talino sa taokaya swerte mo kapag ang pamilya mo'y matatalino at mga nakatapos na at professionals na ngayon. Pero tunay nga ba ang mga ito o sadyang pamahiin lang nating mga Pilipino dala ng sariling nating kultura? Sa mga nalaman kong iyon, ang tao na rin ang nagsabing walang taong bobo, mayroon tayong angking talino. At kahit sa genes man o sa kinakain o sa kahit ano pa mang pamahiin nating tinataglay, tayo pa rin ang magsasabi kung kaya ba natin ang isang bagay o hindi. Nasa sa ating mga kamay kung patuloy tayong magbubulag bulagan o magigising na sa katotohanan na kaya din natin yan.
No comments:
Post a Comment