Joveia Ella Balajadia
Rea Mae T. Ylanan
Introduksyon
Ang kaalaman tungkol sa iba't ibang bagay, personalidad at kaganapan, sa ating kapaligiran ay mahalaga. Kahit na ang impormasyon ay tumatalakay sa isang simpleng bagay, ito pa rin ay binibigyang importansya. Kadalasan, ang mga nakakalap nating impormasyon ay nagmumula sa mga libro, dryaryo, telebisyon, radyo at mga sulating pananaliksik tulad na lamang nito.
Ang sulating pananaliksik, ay isinagawa upang bigyang patunay at palawakin ang isang napiling paksa. Sa ganitong paraan ay mas naliliwanagan ang kaisipan ng isang mambabasa at natututo sa nasabing paksa. Makatutulong din ito upang bigyang linaw at itama ang ilang paksa, kung saan ang nalalaman ng mga tao tungkol dito ay mga maling sabi-sabi lamang.
Ang sulating pananaliksik na ginawa namin ay may layuning bigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral. Nakasaad sa loob ng pananaliksik na ito ang mga kaalaman tungkol sa iang suliranin ng mga estudyante.
Ang pokus ng sulating pananaliksik na ito ay tinatawag na "Dahilan Ng Mayroong Mababang Marka Ang Mga Estudyante Sa Paaralang General Santos Academy, Inc."
Ito ay mga dahilang kadalasang nagagawa ng mga mag-aaral kapag sila't nasa paaralan.
Ang mga impormasyong mababasa sa loob ay base sa mga impormasyong nakalap namin sa internet at sa surbey na aming nagawa.
No comments:
Post a Comment